MAYNILA, Pilipinas – Nanindigan si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na itutuloy nila ang ginagawang imbestigasyon sa mga batang umano’y namatay matapos turukan ng Dengvaxia vaccine sa kabila ng panawagan ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ihinto na ito.
Magugunitang sinabi ni Cabral na dapat nang itigil ng PAO ang imbestigasyon sa mga biktima ng Dengvaxia at ipaubaya na lamang ito sa mga forensic pathologists na eksperto sa nasabing larangan.
Subalit iginiit ni Acosta na ginagawa nila ang pagsasaliksik bilang tugon sa kahilingan ng mga magulang na nais lamang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang anak.
“Kung may tiwala ang mga magulang sa kanila, ay maaari silang magsagawa ng eksaminasyon,” paliwanag ni Acosta. “Subalit hindi pagmamay-ari ng mga doktor ang mga bangkay, kundi ang mga kamag-anak ang may karapatan dito.”
Bukod dito, binalaan din ng PAO chief si Cabral na posibleng kasuhan ng ‘obstruction of justice’ ang sinumang haharang, pipigil at magtatago ng mga ebidensiya sa kaso.
“Kung ako sa kanya ay aralin n’ya ‘yung Presidential Decree 1829, obstruction of justice,” paalala ni Acosta sa dating kalihim.
Ipinagtanggol din ni Acosta ang kakayahan ng mga forensic experts ng PAO, lalo na si Dr. Erwin Erfe na isa ring abogadong nakaiintindi ng ‘legal implications’ ng proseso.
“Alam ng taong bayan ang kakayanan ng aming forensic laboratory,” giit pa ni Acosta.
SOURCR: FILIPINO BALITA
In her interview with Pinky Webb of CNN PHL, Cabral said that she has never spoken with any official of Sanofi about the Dengvaxia vaccine, but I am absolutely certain that she has spoken with her ex boss, the BS Aquino who told her to demonize the PAO chief, Ms Persida Acosta.
ReplyDelete