0





Maraming salamat tatay digong, kung hindi dahil sa inyo ay baka paulit-ulit nalang ang nakasanayan ng mga kapatid nating muslim sa Maguindanao  na kung sino ang nanalong gobernador ay sa kanyang bayan naililipat ang sentro ng gobyerno dahil sa kawalan ng permanenteng kapitolyo.


Dahil sa pagkapanalo ni Duterte bilang pangulo ng Pilipinas ay naisakatuparan na ang matagal nilang kahilingan na magkaroon sila ng sariling Government Center.





Ayon sa naging ulat ng RMN, ito ay matagal ng pangarap ng mga kapatid nating Muslim.


Ang itatayong kapitolyo ay pinaglaanan ng 100 milyong piso mula sa tanggapan ni Pangulong Duterte. Itatayo ito sa Buluan, Maguindanao at aasahang matatapos sa loob ng 10 -12 buwan.




Ikinatuwa naman ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang pagpapatayo ng Maguindanao Government center sa bayan nila.



SOURCE: RMN

Post a Comment

 
Top