Dapat umanong magpasailalim sa isang psychiatric evaluation si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad al-Hussein.
Ani Hussein, tunay daw na kahiya-hiya na ang pangulo ng isang bansa ay gumagamit ng mga hindi magagandang pananalita sa kanyang mga pahayag laban sa isang UN rapporteur na lubos na iginagalang.
“It’s absolutely disgraceful that the President of a country could speak in this way using the foulest of language against a rapporteur that is highly respected,” ani Al-Huessein sa isang news conference.
Dagdag pa niya, dahil sa ginawang iyon ng Pangulo ay tila kinakailangan na umano nitong magpasailalim sa psychiatric evaluation.
“And really makes one believe that the President of the Philippines needs to submit himself to some sort of a psychiatric evaluation,” ani Al-Huissein nanagsabi pang hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Pangulong Duterte.
Ayon sa Philstar, sa kanyang talumpati sa pakikipagpulong niya sa mga local executives ng Luzon na isinagawa sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga, tinawag ni Pangulong Duterte International Criminal Court chief prosecutor Fatou Bensouda na “black lady” at tinawag na “payat” si UN special rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions Agnes Callamard.
Samantala, kinontra naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayeatano ang komento ni Al-Hussein. Isa umanong paninirang-puri ang ginawa ng UN Commissioner on Human Rights.
Aniya, ang komento ni Al-Hussein ay nagdala lamang ng kasiraan sa Human Rights Council at sa mga gawain nitong marangal. Hindi na umano dapat maulit ang ginawa nito.
Source :Philstar, GMA Network
Post a Comment