Naniniwala ang marami nating kababayan na ang kaayusan at katahimikan sa mga bayan, lungsod at lalawigan sa iniibig nating Pilipinas ay nakasalalay sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP). Kapag madalas na nangyayari ang mga krimen, ang bagsak ng sisi ay nasa mga pulis. Sasabihin at itatanong agad ng ating mga kababayan: nasaan ang mga pulis?
Pabaya sa tungkulin. Tutulog-tulog. Hindi natutupad ang sinasabing police visibility. Tinatawag din na mga pulis-patola at kotong cops. Dahil sa pangingikil, ang PNP ay sinasabing nangangahulugan nang “Pahingi Ng Pera”.
Sa kabila ng mga ito, nakararami pa rin ang mararangal at matitinong pulis. Maaasahan at may dignidad, tapat sa tungkulin at matulungin, laging isinasapuso at isip ang motto ng PNP na ‘To Serve and Protect’.
Katulad nalang sa nag viral na post sa isang facebook account na nagngangalang “Custodes Maris” kung saan ipinakita sa larawan na tinutulungan ng dalawang pulis ang tatlong matatanda na humihingi ng pagkain. Kinilala ang dalawang pulis na sina PO2 Norwynjohn Rey Ortomio at PO2 James Cuecaco na naka destino sa 403rd Maritime Police Station sa Brgy. Daungan Mauban, Quezon.
Lumapit umano ang tatlong matanda sa loob ng police station at agad naman napansin ng dalawang pulis ang tatlo na mukhang gutom na gutom at hindi pa raw nakakain.
Agad silang naghanda ng pagkain upang mapakain ang tatlong matatandang lalaki upang maibsan ang kumakalam nilang sikmura at maitawid ang kanilang gutom. Lubos na nagpasalamat ang tatlong matatandang lalaki sa kabutihan na ginawa ng dalawang maritime police.
[SOURCE]
Post a Comment