Arestado ang isang taxi driver matapos ireklamo ng kanyang pasahero dahil sa pangongontrata at sobrang paniningil.
Ayon sa ulat ng Manila Standard, ang taxi driver na kinilalang si Ramon Leoligao ay kinasuhan ng swindling, estafa, at unjust vexation sa Pasay City Prosecutor’s Office matapos ireklamo ng pasaherong si Suzanne Nagac, na assistant ni Presidential fashion consultant Melody Pimentel.
Ayon sa imbestigasyon, isinakay ni Leoligao si Nagac mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dakong 12:30 ng madaling araw noong ika-2 ng Marso at inihatid sa NAIA Terminal 3 na ang biyahe ay hindi lalampas sa tatlong minuto.
Kuwento ni Nagac, habang patungo sila sa Terminal 3 ay sinisingil umano siya ni Leoligao ng P600 at P45 para sa toll fee sa NAIA Expressway. Kinompronta umano ni Nagac ang driver, subalit ipinagpilitan pa rin umano nito ang paniningil nang sobra.
Kinabukasan ay nagtungo si Nagac sa tanggapan ng Airport Police Department upang ireklamo ang taxi driver na agad namang nahuli sa follow-up operations noong ika-4 ng Marso. Bukod sa reklamo ng biktima, nadiskubre rin na ang plate number ng taxi ni Leoligao ay nakarehistro sa ibang sasakyan.
Source :Manila Standard, News Portal, Radyo Inquirer
Post a Comment