0



Interesado rin at papayag si Magdalo party-list Representative Gary Alejano kung sakaling patatakbuhin siya ng kanyang ka-grupo sa pagka-senador ngayong 2019 Eleksyon.

Kamakailan lang ay una ng inanunsyo ni Senador Antonio Trillanes ang pagtakbo ni Alejano.


“Kung ‘yan ang… finally magdesisyon ang grupo, I have to abide by the decision of the group,” sabi ni Alejano.


“Kung darating ang punto na ‘yan ay dapat ihahanda ko ang sarili ko kasi hindi naman natin masabi talaga ano ang lebel ng kahandaan,” dagdag pa niya.


Pinagmamalaki rin ng mambabatas na nakadalawang term na siya sa Kongreso at sapat na raw ito para maging isang Senador siya.


“The fact na nakadalawang terms na ako sa legislation, sa tingin ko po meron na akong enough experience para sa posisyon na senador,” sabi ni Alejano.


Ayon pa kay Alejano, kailangan raw nila ‘mag-volt in’ sa ibang grupo para tapatan ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP–Laban ng kasalukuyang Administrasyon.

“Sa tingin ko naman kailangan talagang ‘mag-volt in’ sa ibang mga grupo considering the fact na ang kasalukuyang administrasyon na aside from lahat ay gustong magpakitang-gilas kaya sumasama sa PDP, ay napakabigat din ng partidong ito,” sabi ni Alejano.


Ito naman ang naging reaksyon ng mga kababayan natin patungkol dito:









Post a Comment

 
Top