Arestado ang beteranong aktor na si Mariano de Leon Regaliza o mas kilalang Julio Diaz sa isinagawang buy-bust operation sa Meycauayan, Bulacan nitong araw lamang (April 20). Ang driver nito ay arestado rin sa bahay ng aktor sa Barangay Langka, Meycauyan City.
Inamin naman ng aktor na gumagamit sya ng iligal na droga sa panayam sa kanya ng DZMM.
“Ako ay nahuli sa isang bisyo. Sa aking pagkakaintindi maaaring gumamit ako pero hindi ito isang bisyo na nilamon ako…ng droga,” sabi ni Diaz
“Bahala na ang Diyos…Hindi ko na alam,” at natukso lang raw siya ng demonyo “Nagdadatingan yung demonyo ng tukso. Natukso talaga,” Dagdag pa nya.
Aktor na si Julio Diaz at isa pang kasama arestado ng Meycauayan -PNP sa iligal na droga pic.twitter.com/tRFaCeLYcQ— doland castro (@dolandcastro) April 20, 2018
Si Diaz ay napasama sa cast ng hit teleserye 'Ang Probinsyano', kung saan ginagampanan niya ang karakter na Julian Valero, tauhan ng Cebu drug based syndicate boss Romano "chairman" Recio. Napabilang rin si Diaz sa 1993 award winning na pelikulang "Sakay" kung saan siya ang lead character.
Napasama na rin noong 2016 si Diaz sa drug watch list ng otoridad pero kanyang pinabulaan noon na siya ay gumagamit ng droga.
Napasama na rin noong 2016 si Diaz sa drug watch list ng otoridad pero kanyang pinabulaan noon na siya ay gumagamit ng droga.
Na-operahan si Diaz noong 2016 matapos magkasakit ng brain aneurysm.
Basahin ang reaksyon ng mga tao sa pagkaka-aresto kay Diaz.
Anong komento niyo sa pagkakahuli kay Diaz?
Post a Comment