Naligo ng mura ang Don Honorio Ventura Technological State University sa Pampanga dahil sa ginawa nito sa isang estudyante. Sa video ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo, ibinunyag nito ang ginawa ng eskwelahan sa Mechanical Engineering student na si Kennet Ramos.
Ayon kay Tulfo, nagpakamatay ang bata matapos hindi payagan ng paaralan na makapagtapos ito. Giit ni Tulfo, naisumite na raw ni Ramos ang thesis at ibang requirements para maka-graduate pero hindi pinayagan ng eskwelhan dahil may back subject daw na English 1 si Ramos.
Ang tanong ni Tulfo, paanong umabot ng 5th year ang estudyante kung may naiwang subject ito noong 1st year?
Watch The Video Below:
"Sinabihan niya ang nanay na umuwi, yung akala nilang aakyat sila sa stage, dumeretso sila sa punerarya at naabutan nila ang anak nilang nakahiga sa ataul dahil nagpakamatay. Hindi matanggap ng bata na hindi siya ga-graduate," salaysay ni ErwinTulfo.
Source: Erwin Tulfo
Post a Comment