Hindi raw nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na kung saan bumaba ng ilang puntos ang kanyang satisfaction rating.
"I do not care about how you rate me. That is not my job. My job is not to watch for these rates. My job is to implement what I promised… Nakita naman ninyo. I did not promise you anything,” sabi ni Pangulong Duterte sa isang press conference kahapon.
Hindi raw siya naniniwala sa mga survey dahil alam naman daw niya na ginagawa niya ang kanyang makakaya para sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng bansa. Hindi rin daw niya kailangang maging popular para magampanan ang kanyang mga ipinangako.
“It’s you who has to accept my performance because I promised it to the people,” sabi ni Pangulong Duterte.
“I do not have to be popular because I do not need it.” dagdag pa nya
Ibinida rin ni P.DU30 ang malaking pagbabago sa mga pangunahing problema ng bansa tulad ng korapsyon, kriminalidad at iligal na droga.
Binanggit din ng Pangulo ang kanyang planong pagsasaayos at pagpapabuti ng mga ospital, partikular na sa Jolo at Basilan.
Anong masasabi nyo patungkol dito Kabayan? Mag-iwan ng komento sa ibaba.
Post a Comment