Hindi pinaboran ng Kabataan Party-list ang pagtalaga ni pangulong Rodrigo Duterte kay National Capital Region POlice Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde bilang susunog na PNP Chief.
Binahagi o pinost ng Kabataan Partylist sa opisyal Facebook Page ang dismayadong pahayag ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago ukol dito.
Ayon kay Elago, mas magiging malala raw ang sitwasyon ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa kamay mismo ni Albayalde.
Hindi nagustuhan ni Elago si Oscar Albayalde dahil sa pamumuno nito kung saan ang lugar umano ng sinasakupan (National Capital Region o NCR) ng Chief Director ay may pinakamataas na insidente ng mga paglabag sa karapatang pantao batay sa kanilang datos.
Kabilang na aniya rito ang libu-libong napapatay na mga mahihirap at kabataan dahil sa war on drug ng Gobyerno, ang madugong insidente sa Mandaluyong City na kinasasangkutan ng mga pulis at marahas na pagtataboy sa mga lumad.
Photo from KABATAAN PARTYLIST/Facebook
Post a Comment