0


President Rodrigo Duterte wants to hold Miss Universe 2018 event in Boracay, says DOT secretary Wanda Teo.



Nais daw ni President Rodrigo Duterte na Boracay ang maging venue ng isa sa mga events ng Miss Universe 2018.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw ng Sabado, April 14, sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo na ang pangulo mismo ang nagpalutang ng idea sa nakaraang cabinet meeting nila.






Ito ay upang mas ma-boost ang turismo sa isla pagkatapos nitong sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon na magsisimula sa April 26.

Sabi raw ng pangulo kay Secretary Teo, "O, sige kung gusto ninyo, ilagay natin ang Miss Universe dun, papuntahin natin ang Miss Universe para pag nag-open 'yan, lahat magsipuntahan."

Nakikipag-usap na raw ang DOT sa Miss Universe Organization (MUO) upang sa Pilipinas gawin ang ika-67th Miss Universe, at sa Boracay naman ganapin ang swimsuit competition.







Dagdag pa niya, "Hindi pa sigurado, but I'm working on Miss Universe. I want the Miss Universe to be here.”

Bukod sa Pilipinas, nakikipag-usap din daw ang MUO sa China, na isa ring prospect venue.

Sagot ni Teo dito, “We're working on it if not this year, next year.


"Malaki maitutulong ng Miss Universe kaya sana matuloy.”





Post a Comment

 
Top