Problema sa Plaka, Matutuldukan na!
Alam natin na isa sa pangunahing pinoproblema ng mga Filipino ngayon, lalong lalo na sa mga kababayan natin na mayroong sariling mga sasakyan ay ang matagal na pag-release ng Land Transportation Office (LTO) ng mga plaka.
Itinigil noon ng LTO ang paniningil ng bayad sa mga bago at renewal ng plaka dahil sa inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit (COA).
Ito ang dahilan kung bakit virtual plate o mga papel lamang ang inisyu ng LTO dahil naka-hold ang mga plaka sa pier at hinihintay ang order ng COA kung ano gagawin sa mga ito.
Pero, huwag mag-alala dahil matutuldukan na ang problemang ito sa ginawang aksyon ng kasalukuyang Administrasyon.
Masayang binalita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na handa na raw tayo mag-produce ng sariling mga plaka.
Bumili kasi ang Gobyerno ng limang machine na gumagawa ng plaka sa kumpanyang Trojan Computer Forms Manufacturing Corporation at dinagdagan pa ito ng dalawang unit na walang bayan.
Ang 7 units ng manual embossing machines ay kayang gumawa ng 22,000 plaka kada-araw.
Screenshot Photo from News5
Post a Comment