0



Pulis na Nagbanta sa Jeepney Driver, Na-Relieved na agad sa Pwesto

Inaksyunan agad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nag-viral na Facebook post tungkol sa pulis na nagbanta umano sa isang jeepney driver sa Marikina.

"I do not want arrogant policemen within the NCRPO. If you do not shape up, it is better to get out of the NCRPO," sabi ni NCRPO Director Camilo Cascolan.



Ayon sa ulat ng GMA News at Manila Bulletin, na-relieved na sa pwesto at dinisarmahan na ang pulis na nakilalang si Police Officer 1 Bernard Cantre. Ang pag-relieved kay Cantre ay inanusyo sa media nitong Linggo lamang.

Base sa nag-upload ng video na si Vanessa Mia Fabia Lusanta, nag-cut daw si Cantre sa jeep dahil umano sa pag-overtake ng jeepney driver. Tsaka ito Pinagmumura at nagbanta pa raw ang pulis na babarilin nya ito kung hindi ibibigay ang driver's license.




Ayon pa kay Lusanta, humingi ng tawad ang tsuper ng jeepney. Hindi nakuhanan ni Lusanta ang aktuwal na pagbabanta ni Cantre pero nakunan nito ang diskusyon sa barangay kung saan sinabi ng mga pasahero na nagbanta nga itong si Cantre.

Ito po ang video kung saan inirereklamo ng mga pasahero si Cantre.






Post a Comment

 
Top