0



Nakatikim ng sarkatiskong banat ang mga pro-american critics ni Pangulong Duterte galing kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam sa telebisyon. Sa interview kay Spox Roque sa programa ni Bro. Eddie Villanueva, binanatan nito ang mga kritiko at sinabing namumulitika lamang ang mga ito.


"Alam mo ang gusto ko? Kunin silang lahat, isama sila sa isang barko. Lusubin nila (ang China), sige! Maubos na kayong lahat! Napakasaya niyan, mawala na kayong lahat nang matahimik na ang bayan." - sabi ni Roque.




"Lusob kayo lahat, lahat ng gustong lumaban! Pero huwag naman iyong mga ordinaryong Pilipino kasi gutom na nga, humahanap na nga ng paraan para makakain, minamasama pa. Pero iyong talagang ginagawang pulitika, sige kayo na lumusob ng tuluyan na kayong mawala," - dagdag pa niya.

Ipinunto ni Roque na hindi makikipag-gyera ang Amerika para lamang sa mga pinag-aagawang isla.

“Alam ninyo naman si President Trump, salesman iyan. Nag-ingay lang iyan para mas malaki ang sales niya. Anong pakialam niya sa mga bato-bato diyan? Hindi iyan makikipaglaban para sa Pilipino. Kaya kayong mga maka-Amerikano, magising na kayo sa katotohanan! Iiwan kayo… iniwan na tayo niyan. Paulit-ulit na tayong iniwan niyan! Ilang beses na nilang sinabi, ‘We will not get involved in territorial disputes.’ Tapos gusto ninyo makipag-away?,"





"They (US) owe China a huge debt. China is the number one exporter of goods in America and the number one destination of goods made in the USA is also China," dagdag pa ni Roque.


Ito naman ang naging reaksyon ng ilan nating kababayan sa pahayag ni Spox Roque sa mga kritiko ng Du30 Admin.










Post a Comment

 
Top