OFW o Overseas Filipino Worker, mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa para masuportahan ang pamilya sa Pilipinas. Karaniwang mga nagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga money remittance center sa ibang bansa. Malaking bagay ang mga remittance center na ito para sa agarang pagpapadala ng pera sa mga minamahal natin sa Pinas.
Pero isang video ang mabilis na kumalat ngaun sa social media tungkol sa isag OFW na nagpadala ng emergency money para sa kapamilya niyang nasa Pilipinas ang natunghayang nakikipag away sa isang teller sa hongkong, ang masaklap pa dito pareho silang Pinoy.
Si Pinoy remitter ay natatarantang nagpadala ng pera dahil nasa ospital ang isang kapamiya kaya dalidlai itong nagpunta sa remittance center. Matapos ang transaction, napagalaman na sa Cebuana Lhuiller naipadala ang pera na dapat ay sa Palawan Express. Nagreklamo ang sender sa teller at nagsimula ang kanilang mainit na pagtatalo. Depensa ni teller hindi daw sinabi ng sender kung saan ipapadala ang pera. Palitan ng maiinit na salita, ang masakit dito pareho silang Pinoy.
Bilang isang OFW na nagpapadala ng pera sa mga remittance center, hindi ikinatuwa ng ilan ang pangyayaring ito at nagpahayag din sila ng kanilang mga hindi magagandang karanasan sa mga ito.
Sino nga ba ang may mali? Madalas ba ito nangyayari sa mga kababayan natin sa ibang bansa? Kung meron ka rin hindi magandang karanasan sa ibang bansa at kapwa Pinoy din, maari mo itong ibahagi sa amin ang maging boses ng iba.
Watch The Video Below:
[SOURCE]
Post a Comment