0




Pinuna ng beteranong newscaster at tubong – kapampangan na si Jay Sonza ang naging pahayag ng GMA reporter na si Ivan Mayrina sa balitang nasa VIP Section di – umano pumwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa matagumpay na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Linggo, Hulyo 15.

Ayon sa Facebook post ni Sonza, ang VIP Section ay nagkakahalaga lamang ng US$1 - 5 Million sa bawat laro na nakalaan lang para sa mga major sponsors ng naturang palaro at bagama’t may kamahalan, ang pwestong ito ay nakaharap mismo katabi ng boxing ring.





Ang Ringside Tickets naman ay pumapalo sa presyong $1,000 – $2,000, samantalang nasa $150.00 naman ang presyo ng General Admission kung saang nakaluklok ang mahal na Presidente at mga kasamahan nito kabilang na ang pinuno ng Malaysia na si Prime Minister Mahathir Bin Mohamad.


Tila hindi naman mapagkakaila kung saan nga ba nakaupo ang Pangulo at mga kasamahan nito dahil kitang – kita naman sa Telebisyon na nasa pinakatuktok at pinakamalayong bahagi na ng Arena ang kinalagyan ng naturang mga opisyal.

Kaya’t paratang na lamang ni Sonza sa maling report ni Mayrina, “TANGA AT BOBO LANG ANG HINDI NAKAKAALAM NITO.”





Sinamahan pa ni Sonza ng maikling mensahe nito para kay Mayrina sa wikang Kapampangan na katumbas ay nagsasabing: 

“Ivan, mag-aral kang Mabuti para hindi ka magmukahang engot, ignoramus at nakakahiya. gusto ko ring ipabatid sa iyo na hindi lang iyong nagtatae at unaalingasaw sa loob ng simbahan ang nakakahiya, kahit iyong nakabihis newscaster/reporter na walang laman ang utak, nakakahiya rin hijo.”



Narito ang Buong Pahayag ni Jay Sonza. 









[SOURCE]

Post a Comment

 
Top