0




‘Si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamagaling na kumanta sa lahat ng mga Presidente.’

Photo source: Google

Ito ang inihayag ng batikang mang-aawit na si Martin Nievera makaraang matanong sa regular press briefing ng Malacañang.



Si Nievera ay kasama ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang regular na punong balitaan sa Palasyo bilang panauhin.

Tinanong ang mang-aawit kung ano ang masasabi nito kay Pangulong Duterte at sinagot na magaling itong kumanta.

He is the best singing President of all the Presidents,” sabi ni Nieverra.

Madalas may mga panauhin si Roque sa kanyang press briefings para mag-obserba at makita ng mga ito ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Presidente, partikular ang mga lokal na opisyal.




[SOURCE

Post a Comment

 
Top