Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na tuluyan nang ibasura ang petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV at gawing permanente ang halt order plea ng senador. Ito'y kaugnay pa rin sa pagpapalabas ng Malacañang ng Proclamation No. 572 na nagbo-void sa amnestiya ng senador.
Kamakailan lang ay nagpa-presscon ang kontrobersyal na Senador at sinabi nito sa media na sumumpa umano siya sa harap ng notary public noong Setyembre 5 kung kailan nag-subscribe siya ng petisyon.
Napag-alaman na si Trillanes ay nagsinungaling matapos maibunyag ni SolGen Jose Calida base sa naturang Sertipikasyon ibinigay ng Senate na lumalabas na wala umanong record na pumasok ang notary public na si Atty. Jorvino Angel sa Senado noong Setyembre 5 kung kailan nag-subscribe si Trillanes ng kanyang petisyon.
Base sa rules of court, ang senador ay dapat manumpa ng personal at sa harap ng notary public bago maituturing ang dokumento na opisyal.
Ang nasabing abogado na si atty. Jorvino Angel ay nalalagay rin ngayon sa alanganin dahil magkaiba ang pirma nito sa petisyon ni Trillanes kumpara sa pirma nito sa iba pang dokumentong kanyang ninotaryuhan.
Sa 200 pahinang komento ng Solicitor General (SolGen) sa petisyon ni Trillanes, binigyan diin nila na inamin na raw mismo ng senador sa isinagawang hearing sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 noong Setyembre 13, 2018 na wala itong isinumiteng aplikasyon sa kanyang amnesty.
Source: Twitter | Bombo Radyo
Post a Comment