0




Hati ang reaksyon ng mga netizen matapos mag-viral ang naka-motorsiklong magkasintahan na dayuhan.

Sa ginawang OPLAN-SITA ng PNP Bohol na pinangungunahan ni Senior Inspector Raymond Halasan, nasita nila ang dayuhang turista dahil walang mga helmet, habang naka ‘panty’ lang ang angkas sa likod.

Dagdag pa rito ang paghuhubad ng damit pan-itaas ng driver habang nagmamaneho at naka-tsenilas lang. Umani ng samu’t-saring komento sa mga Pinoy ang pangyayari, lalo na at ‘holy week’ ngayon.



May nag-komento naman na dahil umano ito sa sobrang ‘at home’ ng mga turista at pagbigyan na lang.

Habang hindi naman naka-ligtas sa kritisismo ang kanilang ginawa lalo pa umano’y sensitibo ang mga Pinoy pagdating sa ganitong klaseng eksena, at baka magdala pa raw ng disgrasya sa kapwa rider sa kakatitig ng babaeng dayuhan.





Post a Comment

 
Top