0

Imahe mula sa Facebook account ni Joshua Andres

Nabigyang-katuparan ng isang graduating student ang pangarap ng kanyang ina na makapagsuot ng toga.

Sa Facebook, ibinahagi ni Joshua Andres ang usapan nila ng kanyang ina noong makita nito ang toga na nakatakda niyang suotin sa pinakaimportanteng araw sa mga mag-aaral na katulad niya.

“‘Di ko man lang naranasan magsuot nito,” wika ng ina ni Andres.

“Picturan kita, Ma! Dali!” tugon niya.

Hiling ni Andres sa mga magsisipagtapos na katulad niya na sana ay ibalik nila sa mga magulang ang pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay ng mga ito.




“Kahit ikaw ‘yung grumaduate mas masaya at mas feel yan ng magulang mo. Make them proud at ibalik lahat ng naitulong nila sa ‘yo. Kasi itinaguyod nila ang magiging bukas mo. It’s time to give them a good and happy life,” aniya.

Libu-libo na ang na-touch at napasaya ng nasabing larawan. Tunay ngang ang Araw ng Pagtatapos ay hindi lamang para sa mga mag-aaral na nagpursigi, kung ‘di para rin sa mga magulang na nananatili sa kanilang tabi.



Source: Facebook

Post a Comment

 
Top