0





Sa video na ibinahagi ni PCOO Asec. Mocha Uson, nakapanayam niya si De Vera at dito nga nilinaw na na dapat kay Pangulong Duterte ang credit sa libreng edukasyon.

Paliwanag ni De Vara, si Pangulong Duterte ang bigay katuparan sa matagal na hiling ng karamihan na maging libre ang edukasyon sa bansa.

“Kaya ang credit dito ay talagang mapunta sa presidente dahil siya ang nangahas na subukan yung hindi sinubukan ng maraming nakaraang pangulo sa Pilipinas,” saad ni De Vera.




“Itong RA 10931 ang pinakamahalagang social justice legislation sa ating higher education. Kasi hindi na bagong ideya ito. Matagal ng hinihiling ng mga estudyante, ng mga pamilya na ilibre ang mga estudyante sa tuition at miscellaneous fees. Ang kinaiba lang noong nakaraang panahon, laging sinasabi, ‘hindi pwede, hindi kaya’. Ang pinagkaiba, nagkaroon ng Presidente Rodrigo Roa Duterte na sinabi niya, ‘gawin natin’, kaya nangyari sa administrasyong ito,” dagdag pa niya.

Saad ni De Vera, matagal na ang panukalang Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ngunit hindi ito naisakatuparan sa mga nagdaang pangulo.

“Lahat naman ng dating pangulo binigyan ng pagkakataon na gumawa ng batas na ganyan. Ang kinaiba, ginawa sa administrasyong ito.”

Kahit noong panahon ni Aquino, hindi ito naisakatuparan dahil wala umanong sumuporta sa libreng edukasyon.




Sinabi rin niya na sina dating Senator Bongbong Marcos, Sen. Ralph Recto, Sen. Chiz Escudero, at Wyn Gatchalian ay laging nagtatanong sa kanya kung magkano ang gasto sa libreng edukasyon dahil sila ang pasimuno nito.





Watch The Video Below:






Post a Comment

 
Top