0



Noong Lunes lang nakahawak ng perang nagkakahalagang halos P1 milyon ang janitor na si Reynaldo Padilla. Nangyari ito sa ikalimang taon ni Padilla bilang janitor sa isang pribadong ospital.

Habang naglilinis siya ng isang kuwarto, nakita niya sa cabinet ang isang backpack na puno ng naka-bundle na mga pera. Hindi naman siya nagdalawang isip na isauli ito sa kanilang opisina.



“Hindi naman po sa akin ‘yan. Tapos hindi ko naman po pinaghirapan,” ani Padilla.

Naibalik na ng pamunuan ng ospital ang bag sa may-ari nito, na isa palang negosyante. Ang P1 milyon laman ng bag ay ipasusuweldo niya sa kaniyang mga empleyado. 

Panoorin Ang Buong Detalye Dito:






Post a Comment

 
Top