0




Maraming Filipino ang subrang excited na malaman ang resulta sa recount ng pagka-bise presidente ng Pilipinas. Lalong lalo na sa mga Marcos supporters.

Matatandaan na hiniling noon ni dating senator Bongbong Marcos na muling bilangin ang mga boto para sa ikalawang pangulo noong nakaraang halalan. Sa pananaw kasi ng kampo ni Marcos ay dinaya sila noong 2016 eleksyon.





Ang araw na ito (April 2 2018) ay sinimulan ang recount pero ang kaduda-dudang nangyari ay ang pagkabasa ng mga balota at pagkawala ng mga audit logs.

Ito ang dahilan kung bakit nagtataka si BBM. Ayon pa kay Marcos, imposible raw na dalawang taon basa ang mga balota. Kanila rin umano itong pag-aaralan kung paano ito nangyari. Sa paniniwala rin nila na talagang may nagbukas ng mga ballot box.

“Hindi namin maintindihan papaano, imposible naman siguro na dalawang taong basa ‘yan. Palagay ko, kailangan talaga pag-aralan kung paano nangyari ‘yan. Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box,” sabi ni Marcos.




“Bakit walang audit log? Ibig sabihin binuksan ‘yung ballot boxes, kinuha ‘yung audit log. At hindi namin makita,” dagdag pa ng dating senador.




[SOURCE]

Post a Comment

 
Top