0



Sinusuka na si Senator Antonio “Sonny” Fuentes Trillanes IV ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI).

Umabot sa 88 miyembro ng PMA Alumni ang pumirma para sa panawagan na tanggalin o sipain si Trillanes sa kanilang organisasyon.

Photo from Benson Bautista




Nitong Nakaraang araw, kumalat sa Facebook at Twitter ang manifesto na may panawagang na alisin si Trillanes sa PMA mula sa mga miyembro ng PMAAAI Eagle Fraternal chapter na base sa Mindanao.

Ayon sa nakasulat sa manifesto, gusto ng mga PMA Alumni na sipain ang senador sa kanilang organisasyon dahil sa walang galang at pagiging bastos sa mga senior officers at sa Presidente, korapsyon, sinungaling at sedisyon.

“His pattern of behavior shown in several instances…is an obvious display of conduct unbecoming of a public official and questionable mental health, fond of creating discord and divisiveness instead of his supposed duties to create policies to establish a well-ordered society,” saad sa manifesto.



Photo from Benson Bautista

Samantala, nagpahayag naman si Trillanes na kusa siyang aalis sa grupo kung ito ang kagustuhan ng kanyang mga kasamahan sa PMA.

“That’s far from the truth. There are 215 members of PMA Class ’95, if most of my classmates start calling for my ouster from PMAAAI, then I would do so voluntarily,” sabi ni Trillanes.

Tuwang tuwa at suportado naman ng mga kababayan natin ang ginawa ng PMA Alumni. Basahin ang kanilang mga reaksyon.









Post a Comment

 
Top