Matatandaan na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na sisibakin niya ang mga opisyal ng Clark International Aiport oras na maulit muli ang insidente ng pagnanakaw sa bagahe ng mga pasahero sa paliparan.
Ngayong araw lamang, inirereklamo ng isang netizen sa social media ang insidente ng nakawan na sinapit ng kanyang mga magulang sa nasabing paliparan.
Ayon kay Paula, hindi raw agad namalayan ng kanyang mga magulang na putol na pala ang padlock ng kanilang bagahe at nalaman nalang nila pag-karating nila sa bahay.
Nang icheck ang bagahe, nawala na raw yung ibang mga gamit tulad ng mga sapatos at ang ginagamit na cellphone ng kanyang ina.
Nag arrive sina mommy at daddy sa Clark International Airport, di nila namalayan pagkakuha ng bagahe nila na biglang putol ang padlock ng bagahe nila dala ng sobrang excited kami makita. Nakita nalang nila pag-uwi namin sa bahay and nung i-check yung gamit nawawala yung shoes at used cellphone ng mommy ko. Anong nangyare CIAC? Di parin ba naagapan yung ganyang problema? Porke ba galing ibang bansa dapat sinasamantala? š”
Tulungan natin na maiparating sa Pangulo ang panibagong insidente na ito para maaksyunan agad at mabigyan ng leksyon ang mga empleyado na namamantala ng mga pasahero sa Clark Aiport.
Post a Comment