0




Nangako ang TV host na si Willie Revillame na tutulong siya sa Duterte administration, lalo na kay Davao City Mayor  Sara.

Nagkita at nagpulong kamakailan si Willie at Inday Sara sa isang  lugar sa Quezon City at sinabi ng TV host na handa siyang tumulong sa pamil­yang Duterte para magtagumpay ang mga proyekto ng gobyerno.

Sinabi ni Willie, suportado niya ang ginagawang ‘giyera’ kontra droga at laban sa katiwalian na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.




Aniya, wala siyang planong tumakbo sa lokal na posisyon at kung sakali mang tatakbo ay sa national posisyon o senado ang kanyang tatargetin, pero hanggang nga­yon ay walang planong pumasok sa mundo ng pulitika.

Binalaan ni Willie ang ilang politiko na huwag gamitin ang kanyang pangalan dahil masaya siya at mara­ming natutulungan ang kanyang show sa telebisyon.


Watch The Video Below:







SOURCE: PHIL STAR

Post a Comment

 
Top